Visit my friendster account… hehehe

October 6th, 2006 by dislodgedlunch
Just visit it… i did an overlay of my friendster page with a web 2.0 layout… hope you guys like it!

Escape from life

August 18th, 2006 by dislodgedlunch

Life would be much easier if complications don’t exist. But w/o these complications then what would happen? We’ll be bored as hell. So what do we do? We complicate our lives with stupid realizations of a reality that we already know. We suffer pain but we ignore the damage. And when the wound is too deep, we use a needle and a thread to stitch the damn cut. As we pull each thread through our decaying skin we scream our lungs out hoping for salvation in a world of damned people. That’s why I don’t take life too seriously. Besides, no one has ever came out of it alive… Figure it out.

Most Discussed Vincent!!!

August 13th, 2006 by dislodgedlunch

Vincent is one of the cutest kafriendster in the whole world! lets support him and add more comments on his emo picture… para masaya!!! hahah!!

Horizontal Sadness

February 15th, 2006 by dislodgedlunch

Captain’s Log: February 16, 2006/00:05

Everything is changing… shifting into another place… and once there… there will be no looking back… hold on to whatever you have… cherish it… grasp it… as long as it takes… untill forever passes u by…. but for now… take your journey of never ending sadness…. and it will take you to where you want to go….

Dead End

February 10th, 2006 by dislodgedlunch

Captain’s Log : February 10, 2006

I feel like im in a maze… But unlike Theseus who killed the minotaur in King Minos’ Labyrinth… i can’t get out of the goddamn maze… may be i forgot something… hmmm…

O yeah! i forgot to leave a trail of bread crums along the way!

How stupid is that! now i’m being chased by a bull! but wait… i see a house! a house made of candy… i bet a witch lives there… Oh look, im right… there is a witch…

Hey, why is the witch holding a freakin’ knife? and a pot of boiling chicken stock? And why is that ugly piece of magic looking at me like a turky for thanksgiving?!

Run! That’s it… i should run… and let everything fall into place… even if it falls flat on my face…

Tanga ako

October 31st, 2005 by dislodgedlunch

Paano ba nagiging tanga? Pag sinasabihan ka ba na mali ang ginagawa mo, tanga ka na? Pag hindi nila naiintindihan ang mga kilos mo, tanga ka ba? Pag akala mong mali ang ginagagawa mo pero itunutuloy mo pa rin, tanga ka na ba? Pag gumawa ka ba ng masama, tanga ka ba? Pag umibig ka sa isang taong alam mong ayaw sayo, tanga ka ba?

Siguro oo… pero bakit?

Minsan akong umibig sa isang taong hindi ko maintindihan. Ngunit masaya ako sa mga ngiti at halakhak sa pinagsaluhan namin. Masaya ako sa simpleng paghawak ko sa kanyang kamay. Masaya ako sa mga sandaling iniwan namin ang mundo. Ngunit hindi ito nagtagal…dahil sa ako’y tanga.

Ako mismo ang naglagay ng bala sa baril na kikitil ng aking kaligayahan. Alam kong babarilin na ako, hindi pa rin ako umilag… parang isang eksena sa pilikulang Pilipino kung saan sasagasaan na, magpopose pa. Iyon nga ba ang katangahan? O sadyang kailangan nating hayaan ang mga pangyayari na gumulong na parang bola, naghihintay ng isang kamay na pipigil sa pagikot nito.

Gaano ba kasakit ang mawalan ng sinisinta? Sabi ng iba parang tinusok ng isang milyong karayom ang puso mo. Sabi ng bestfriend ko, parang sinungkit ang tumitibok mong puso, nilagyan ng pulbura at sinilaban pagkatabos ay pinakain sa pusang kalye. Para ka palang naghihintay ng kamatayan habang umiibig ka. Hahayaan mo ang isang nakakamatay na sakit na parang cancer na tumubo sa loob mo, hangang sa pagdating ng tamang oras ay bigla na lang itong lulubha at pagkatapos ay papatayin ka sa sakit habang unti-unti kang kikitilin at makakalbo sa therapy. Hangang sa ang cancer ay sumabog at magiging dahilan ng iyong pagkasawi. Isa ito sa mga dahilan kaya masakit ang umibig. Ito rin ang isa sa dahilan kaya masarap umibig. Dahil dito, natututo kang lumaban at pahalagahan ang iyong buhay.

Kung tutuusin, ang pag-ibig ay may dalawang mukha. Ang isa ay mukha ng isang maamong puting tupa, at ang isa ay isang mapanuksong ahas. Sa pagpili ng mukha ng pagibig sana ay wag tayong maging tanga. Dahil ito marahil ang magiging mitsa ng katapusan ng ating kaligayahan.

Wag sana tayong maging tanga.

Dahil nangyari na sa akin ‘yon.

And because of that, i may never have the chance to see her again…

Riddle me…

May 16th, 2005 by dislodgedlunch

When asked this riddle, 80% of kindergarten kids got the answer, compared to 17% of Stanford University seniors.
What is greater than God,
More evil than the devil,
The poor have it,
The rich need it,
And if you eat it, you’ll die?

Answer: NOTHING

Nothing is greater than God, Nothing is more evil than the devil, the poor have nothing, the rich need nothing and if you eat nothing you will die…

Bananaman and the Giant Tipaklong

May 9th, 2005 by dislodgedlunch
Gumising si Sammy para gawin ang kanyang gawaing bahay. As usual, maaga siyang nagigising mga alas 3 ng hapon, upang maumpisahan nya ang kanyang trabaho ng maaga. Ngunit laking gulat niya ng makitang nagkakagulo ang buong Turon Town. Tinanong ni Sammy kung anong ang kaguluhan sa isang bata nngunit "Dada" lang ang kayang banggitin nito. Kung kaya ay kinuha na ni Sammy ang kanyang Bananacycle(bike na flat ang isang gulong) at nagsuksuk siya ng saging sa loob ng kanyang brief para hindi mapanis.
Bumubulusok na bumaba ang Bananacycle ni Sammy sa burol na kinalalagyan ng kubo niya. Dito niya nalaman kung ano ang nangyari. Isang karimarimarim na tagpo ang bumungad sa kanya. Lahat ng tanim at halaman ay naglaho. Naubos ang palay, nalagas ang dahon ng mga puno, pati ang mga puno ng saging nagkawalaan! Malaking problema ito para kay Sammy dahil iisa na lang ang saging na nasa kanya, at yun ay nasa brief niya!
Namutla sa takot si Sammy sa kanyang nakita. Paano na siya magtratransform bilang si Bananaman kung walang banana! At sa wakas gumana ang nangangalawang niyang utak. Inilabas niya ang kanyang 5110 at mabilis niyang tinext si Dodong, ang tindero ng saging sa kabilang bundok. Ngunit laking gulat niya nang hindi magsend ang SMS niya. Naalala niyang nagexpire na pala ang unlimited text niya habang katxt si Nena, ang chimay ni Mayor Bebang Batubalani.
Naisip ni Sammy na kailangan niya munang huminahon at alamin ang nangyari sa kanilang bayan. Nagtanongtanong siya sa mga taong bayan kung sino ang salarin sa krimeng ito. Ngunit sila man ay walang alam. Inabot na ng gabi ang pagiimbestiga ng ating magiting na bida ngunit ni isang matinong sagot ay wala siyang nakalap.
Susuko na sana si Sammy nang may lumapit na matandang ermetanyo sa kanya.
"Amang alam ko kung paano nangyari ito." sabi ng ermetanyo.
"Sino ang ay kagagawan nito?!" tanong ni Sammy habang sinasakal ang matanda.
"Bitiwan mo muna ako amang. Salamat, salamat. Hindi sino kundi ano. Ang may kagagawan nito ay isang higanteng tipaklong!" pabulong sa sabi ng ermetanyo.
"Sigurado ka ba diyan? Sa aking pagiimbestiga ay napagalaman ko na isang hukbo ng killer kuneho ang ngumatngat sa mga puno dito." bulong naman ni Sammy.
"Nagkakamali ka amang sapagkat nakita ng dalawang mata ko ang buong pangyayari. Kinain ng higanteng tipaklong ang lahat ng pananim. Alas dose ng hating gabi ang call time niya. Hintayin mo na amang. Eksakto malapit ng maghatinggabi."
"Mabuti pa nga."
Hinintay ni Sammy ang pagpatak ng hatinggabi sa Turon Town upang maliwanagan ang kababalaghang bumabalot sa mga missing halaman. Bumabagsak na ang mga talukap ng mga mata ni Sammy at nagsisimula nang tumulo ang kanyang laway sa antok nang may marinig siyang kaluskos sa di kalayuan. Biglang nagsing si Sammy at sa gulat ay muntik nang mahulog ang kanyang postiso. Totoo nga ang sinabi ng ermetanyong mabantot. Dahil nasa harapan niya ang isang tipaklong sa kasingtaas ng monumento ni Rizal sa Luneta!
Nilabanan ni Sammy ang kanyang hilakbot na mabilis na bumalot sa kanyang katawan. Nanginginig niyang nilabas ang kaisaisang saging na tinago niya sa kanyang brief at mabilisan nya itong sinubo. Sinigaw ni Sammy ng ubod ng lakas ang "Bananaman" at biglang may pumutok. Nabalutan ng usok si Sammy at siya ay biglang nawala. Lumantad ang isang matipunong lalaki na may gintong kasuotan. Sa dibdib niya ay may nakalagay na malaking letrang ‘B’, siya ay may berdeng kapa at berdeng maskara. Itim ang boots at red ang brief na mukhang maluwag dahil may berdeng sinturon ito. Sa wakas nagpakita na rin si Bananaman, ang pinakabaduy na superhero sa buong mundo!
Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng saging makakaya ni Bananaman ang lumipad sa kalawakan, maglakbay na sing bilis ng kidlat, may pambihirang lakas ng 100 leon, maglakad sa nagbabagang apoy, kumain ng bubog, magsayaw ng tango at heto ang matindi kaya niyang maligo ng hindi nababasa!
Sinimulan ng ipamalas ni Bananaman ang kanyang kapangyarihan. Lumipad siya sa harapan ng Giant Tipaklong at bigla niya itong sinuntok. Nasaktan ang Tipaklong ngunit hindi ito nagpatalo. Inangat nito ang isa sa mga paa niya at akmang ihahampas ito kay Bananaman. Nailagan ni Bananaman ang higanteng paa ng tipaklong. Ilang beses nitong sinubukang Tumama ngunit pambihira ang bilis na pinamamalas ni Bananaman.
Napagod ang tipaklong. Tatapusin na sana ni Bananaman ang laban gamit ang Bananasword ngunit biglang nagbuga ang tipaklong ng berdeng likido sa ilong nito. Acido! Muntik ng maging turon sa Bananaman. Tuloy-tuloy ang pagbuga ng tipaklong ng acido at mukhang delekado ang lagay ni Bananaman dahil hindi siya makalapit.
Nakaisip ng paraan si Bananaman kung paano matatalo ang Giant Tipaklong at ang kanyang mabangis na ilong. Muli siyang lumipad at iniwasan ang mga talsik ng acido mula sa tipaklong. Binuhat niya ang isang malaking tipak ng bato at inihagis sa tipaklong. Bumulusok ang bato sa harapan ng tipaklong ngunit binugahan lamang nito ng acido at ito’y nawasak. Inaasahan naman ni Bananaman ang pangyayaring ito, ginawa lamang pain ang bato upang makalapit sa higanteng tipaklong. Sa distansyang ito, mahihirapang puntiryahin ng tipaklong si Bananaman, at ganoon nga ang nangyari.
Binanatan ni Bananaman ng isang malutong na sipa sa ulo ang tipaklong. Sinundan pa nito ng isang malakas na suntok sa tiyan. Nasaktan ang tipaklong sa sunod-sunod na pananakit ni Bananaman. Sa wakas nanghina na ang tipaklong at handa nang tapusin ni Bananaman ang laban. Dinukot niya sa loob ng kanyang Bananabrief ang isang matalim na bagay, ang Bananasword. Galit na pinutol ni Bananaman ang mga paa ng tipaklong, at nang akmang lilipad ito’y tinaga naman ang pakpak nito, pagkatopos hindi pa nakuntento, isinunod naman nito ang….
"Tapos na ang maliligayang araw mo Higanteng tipaklong!" sigaw ni Bananaman matapos nitong putulin ang ulo ng tipaklong.
At natapos din ang laban. Nagwagi ang kabutihan. Humukay si Bananaman ng isang malaking butas sa tuktok ng Bundok Aratelis sa pamamagitan ng Bananabeam at dito niya inilibing ang mga labi ng higanteng tipaklong. Lumipad siyang muli sa kabilang bundok upang kumuha ng mga puno at halaman kabilang ang mga puno ng saging upang itanim sa kanilang bayan. Wala pang 10 minuto at tapos na sa pagtatanim si Bananaman.
Nailigtas sa kapahamakan ang Turon Town. At mukhang hindi alam ng mga mamamayan na mayroong nagligtas sa kanila. Hindi nila alam na andiyan lamang sa tabi-tabi at nagkakalkal ng basura ang kanilang bida. At lalong hindi nila alam na mayroong namboboso sa kanila tuwing naliligo. Hindi nila alam na laging andiyan si…… Bananaman the super saging!